Bring the Past Back - Time Machine Ft. Grade 7 - Jasmin/Jasminians (2013-2014)








[Other photos]

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang aking pagsulat gayong hindi naman ako ganoong kagaling sa larangan na ito. Ngunit di ko ito mapipigilan dahil sa bugso ng aking damdamin, na sa tuwing makikita ko ang aking mga lumang larawan naaalala ko ang mga panahon na sobra akong naging masaya at nakaramdam ng tunay na pagmamahal galing sa aking mga kaibigan at mga guro. Mga alaalang hindi kailanman malilimutan at maalis sa aking isipan gayun na din sa aking puso. Bumabalik sa panahon na kailanman hindi na mangyayari pa dahil ito ay tapos na. Naaalala ko ang aking gurong tagapayo/adviser na si Mrs. Nena Garcia, na sobrang magmahal sa kanyang mga estudyante, kahit kailanman di ko nakitang nagalit sa amin. Tuwing uwian, lagi namin siyang kasabay, libre niya sa amin ay soft drinks at karaoke. Siya ang gurong talagang lubos na tatatak sa inyong puso kailanman. Naaalala ko noong unang pasukan, ako'y wala pang kilala ni isa sa aking mga magiging kaklase. Ngunit sa unang araw na yun hindi ba dapat kabahan ako dahil wala akong kakilala at di ko pa gamay ang lahat sa kanila, ngunit hindi nangyari yun sa halip mas naramdaman ko ang pagiging komportable, siguro dahil nakita at alam ko na ito na ang bago kong tahanan. Masaya ang unang araw, maraming mga guro ang natutuwa sa akin, tawag ba nila sa aki'y "ganda". Dahil siguro cute ako noon and maganda daw!. Haha. Ang sarap sa pakiramdam, mga kaklase ko'y manghang mangha sa aking katangian. Sabi nga nila nasayo na ang lahat, sabay kanta ng awit ni Daniel Padilla, sa dahilanang nandun na daw ang mga katangian na meron sa akin, "Ang ganda, ang bait, ang talino". Ako ang Vice President at Muse ng klase. Umaawit ng kantang "Pangarap Lang kita", lagi akong tinutukso ng mga kaklase ko kung kani kanino, sa tuwing gagawin nila yun sa akin, mga pisngi ko raw ay namumula. Siguro dahil ako'y kinikilig at natutuwa rin. Mga kaibigan ko'y palaging nandyan para sa akin, at gayundin ako sa kanila. Mahal na mahal ko silang lahat. Sa tuwing, may mga presentation o report na magaganap lagi akong gumagawa ng yell sa aming grupo, siguro dahil mahilig akong kumanta kaya't gusto ko rin na maging malikhain at maganda ang aming magiging presentasyon. Namamangha sila palagi sa bawat Jingle/Yell na aking nagagawa. Nakakatuwa dahil naramdaman ko ang kanilang paghanga sa akin di lang sa panlabas na katangian kundi pati na rin sa kalooban at talento. Naaalala ko na pinagawa kami ng Commercial/Acting ni Mam Encarnacion, ginawa ko ang isa sa mga naging sikat na linyahan nila Angelika Dela Cruz bilang Lavinia  at Sarah Geronimo bilang Dorina ito ay ang "Nagustuhan? Sinira mo ang kanta, binaboy mo, baliw lang ang nagsasabing isinilang na ang aking karibal. You'll never make it. Hindi ka singer Dorina, wala kang kalulugaran sa mundong ito, isa kang carbon copy malabong version ng original, You're fake! You're nothing but a second rate trying hard copycat. Sabay buhos ng kunwaring may lamang tubig na baso. Lahat sila natuwa at napahanga ko. Pati na rin ang aking guro ay namangha. Ito ay labis na aking ikinatuwa sapagkat nakuha ko ang pinakamataas na marka. Haha. Ang aming section ay laging ipinagmamalaki ni Mam Robinos, dahil daw ang mga estudyante sa aming klase ay laging aktibo at competitive sa pagsagot sa recitation. Lagi kaming inilalagay sa demo class. Ito ay labis na aking ikinatutuwa dahil laging ipinagmamalaki ang aming section, mababa man ang level ng aming section, ngunit nagiging mataas ito dahil sa angking katangian na meron ang G7- Jasmin. Namimiss ko ang mga ibinibigay na kasiyahan ng aking mga kaklase at guro sa akin. Isa lang ang mga ito sa mga Hinahighlight kong mga moments na meron sa G7- Jasmin. Marami akong mga alaala pa na tanging sa puso at utak ko ay di na mawawala pa kailanman.  Sinasabi ko sa sarili ko na sana pwede pang ibalik, ngunit malabo na. Tapos na, Itong First Year Highschool ang pinakahindi ko malilimutan at pinakagusto kong balikan. Marami!! sobrang daming memories at moments ang nagawa ng section namin sa loob ng isang taon. Di ko mabilang bilang sa sobrang dami ng saya. Ngiti sa aking mga labi ay nangyayari lamang kapag naaalala at binabalikan ko ang mga pangyayaring iyon. Kapag nagkaroon pa ako ng oras, ikekwento ko lahat ang mga  pangyayari na naganap sa aking First Year Highschool. Napakanostalgia lang talaga nito, kapag inaalala at binabalikan ko ito, pinapakinggan ko lang ang kantang "You'll be safe here" I considered it kasi as the ost ng Moments ko with G7 days. Sige everyone, hanggang dito muna ako. Di ko alam kung may makakabasa nito. At kung may makabasa man, goods nalaman mo ang moments ko before, iba ako noon sa ngayon siguro dito niyo rin makikilala kung ano at sino ako noon sa ngayon. Goods na lamang kung may makakabasa nito, atleast nalaman at nakilala mo ako sa panahong ito sa pamamagitan ng pagbabasa nito sa panahon ngayon. Kwento ako ng matino soon. Salamat Kaibigan.



0 Comments